Mark 8:11-12

Humingi ng Himala ang mga Pariseo

(Mat. 16:1-4)

11Pagdating nila roon, may dumating na mga Pariseo at nakipagtalo kay Jesus. Gusto nilang subukin siya kaya hiniling nilang magpakita siya ng himala mula sa Dios
mula sa Dios: sa literal, mula sa langit.
bilang patunay na sugo nga siya ng Dios.
12Pero napabuntong-hininga si Jesus at sinabi, “Bakit nga ba humihingi ng himala ang mga tao sa panahong ito? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang anumang himalang ipapakita sa inyo.”
Copyright information for TglASD